top of page

Abot-Kamay na Tahanan para sa Pamilyang Pilipino sa Japan

Ang aming team sa MABUHAY REAL ESTATE ay binubuo ng team na kababaihang fluent sa English, Tagalog at Japanese, kaya wag kayong mag-alala sa language barrier.

Nagsimula ang MABUHAY REAL ESTATE dahil sa experience ng founder namin, na mahigit 20 taon nang umiikot sa iba't ibang bansa. Nag-travel at nag-aral siya abroad, at na-experience niya firsthand ang hirap ng paghahanap ng tirahan sa ibang bansa. Noong 2006, nagbukas kami ng isang restaurant sa Akasaka, Tokyo, na naging hangout place ng mga foreigners from all over the world. Mula roon, lumawak ang business namin sa pag-design at pag-construct ng mga dining spaces sa iba't ibang bansa, gamit ang mga natutunan namin sa paggawa ng comfortable spaces para sa mga foreigners.

 

Ngayon, sa panahon ng Reiwa, ang focus na namin ay ang pag-design, pag-construct, at pagbebenta ng mga tirahan at commercial spaces para sa mga nakatira o nagnenegosyo dito sa Japan pati na ang mga nasa ibang bansa.
 

背景なし-8Sistersロゴ.png

Copyright © EIGHT SISTERS Ltd.

bottom of page